-- Advertisements --
cropped CAMP CRAME PNP POLICEMENT FLAG DAY 3

Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine National Police sa naging suporta ng Senado pahinggil sa mas maigting pang paglilinis sa buong hanay ng kapulisan.

Sa isang pahayag ay tiniyak ng Pambansang Pulisya na nakalatag na ang lahat ng kanilang hakbang upang tiyaking maiiwasan ang anumang posibilidad na magkaroon ng iregularidad na maaaring gawin ng isang pulis.

Kaugnay nito ay tiniyak din ng liderato ng PNP na mas pinaigting pa nito ang kanilang internal disciplinary mechanisms na magpapataw din ng kaparusahan sa anumang uri ng misbehavior o pang-aabuso ng mga tauhan nito.

Samantala, bukod dito ay kinilala din ng Pambansang Pulisya ang alalahanin ng mga Senador pahinggil sa mga gawaing posibleng isagawa ng mga pulis na maaaring sumira sa reputasyon ng buong organisasyon.

Dahil dito ay target ngayon ng PNP na mas palakasin pa ang kanilang ipinapatupad na preventive aspect ng kanilang internal disciplinary systems sa pamamagitan ng early detection at active counter-intelligence sa pangunguna naman ng Internal Affairs Service at Integrity Monitoring and Enforcement Group para sa mas madaling pag-identify sa mga red flags at iba pang masamang gawain na posibleng kinasasangkutan ng isang pulis.

Kung maaalala, una nang sinabi ipinangako ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ipagpapatuloy nito ang nasimulang laban ni dating PNP chief PGEn Rodolfo Azurin Jr. pahinggil sa kriminalidad, partikular na sa war on drugs.