-- Advertisements --

Nagpa-abot ng pakikiramay si PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa pamilya ng dati nilang kabaro na si Jonel Nuezca na namatay sa loob ng kulungan.

Ayon kay Carlos, kahit nagbabayad ito ng kaniyang kasalanan dahil sa pagpatay sa mag-ina sa Tarlac, ay naging kasamahan pa rin nila ito.

Sinabi ni PNP chief, magbibigay sila ng tulong sa pamilya ni Nuezca.

Hindi pa malinaw sa PNP kung ano ang dahilan sa pagkamatay ni Nuezca habang nasa loop ng piitan.

Pero ayon sa Bureau of Corrections bigla na lamang nag collapsed si Nuezca at namatay.

“We were asking the BuCor to provide us with the report. Unang una kami ay nalulungkot na nangyari ito kay S/Sgt. Jonel Nuezca. Siya po ay nakakulong ngunit kami nagpapaabot kami sa pamilya ni S/Sgt Nuezca yung aking pakikiramay sa kanya. Kung may kailangan tulong na iabot bilang dati naming kasama iaabot po namin yung tulong bilang po pakikiramay and as to the incident we will wait for the official report on what transpired para makita rin po namin dahil dati po namin siyang tauhan. Nagbabayad po siya sa kanyang pagkakamali and ganun po yung ating justice system but we will not stop the PNP from extending our condolences and assistance to the family,” pahayag ni Gen. Carlos.