Isinasaayos na ngayon ng 1iderato ng Philippine National Police ang paglilipat ng ilang lugar na nasa ilal im noon ng Makati City Police station sa Taguig City Police Station.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa agawan sa teritoryo ng mga lungsod ng Taguig at Makati.
Ayon kay PNP Spokesperson PCOL Jean Fajardo, pinaplano ngayon ng Pambansang Pulisya na panatilihin pansamantala ang kahalati sa mga tauhan ng Makati city Police sa mga concerned areas nito upang gabayan ang mga ililipat na mga pulis mula sa Taguig bilang bahagi aniya ng smooth transition.
Samantala, kasabay nito ay tinyak naman PNP na gagawin nito ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga lungsod ng Makati at Taguig.
Giit ni Fajardo, walang papanigan ang Pambansang Pulisya at tanging kautusang ibinaba ng Korte Suprema lamang ang ipatutupad nila.