-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala ang pulisya hinggil sa umano’y lantarang vote buying sa lalawigan ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na natanggap na nila ang reklamo ng isang tumatakbong mayor sa Miag-ao, Iloilo na may vote buying umano sa isang eskwelahan.

Samantala sa Igbaras, Iloilo naman, may natanggap rin sila na impormasyon na may naganap umano na vote buying sa isang mountain resort, ngunit wala naman anyang formal complaint na isinampa.

Napag-alaman na sa Iloilo, may mga ipinamimigay na sample ballots at may nakaipit na pera.

Tiniyak naman ni Solis na nakaalerto ang pulisya upang masugpo ang vote buying.