-- Advertisements --

Iniulat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagbayad sila ng aabot sa mahigit na P6.1 bilyong pisong income tax sa gobyerno para sa buong taon ng 2020.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, ang bilyong halagang income taxes na kanilang ibinayad sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagre -represent sa individual income taxes ng 224,189 uniformed at non-uniformed personnel ng PNP.

Sinabi ni Sinas lahat ng tauhan ng PNP ay nagbabayad ng kanilang annual tax obligations para madagdagan ang pondo ng gobyerno sa mga healthcare services, public education, infrastructure development, food security, social services at defense.

Paliwanag ni Sinas ang individual income taxes ng mga pulis ay otomatikong ibinabawas sa kanilang buwanang sahod.

Bawat individual PNP tax payer ay nagbabayad ng average Php27, 245 income taxes sa loob ng isang taon.

” All PNP personnel religiously fulfill our annual tax obligations to fund government expenditures,” wika ni Gen. Sinas.