Kinumpirma ni Dela Rosa na may nakuha na silang lead kaugnay sa kasong kinasasangkutan ni PSupt. Ma Cristina Nobleza na nagsisilbing protektor ng bandidong Abu Sayyaf.

Sinabi ni Dela Rosa na may nakuha na silang mga significant leads mula sa pag-iimbestiga kay Nobleza at Dongon.

Samantala tumanggi namang sabihin ng PNP chief kung ano nasabing mga leads.

Sa ngayon hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon laban kay Nobleza at may mga detalye at impormasyon pang kailangang makuha mula sa police colonel at sa asawa nitong Abu Sayyaf member na si Rennour Lou Dongon.

Inihayag ni Dela Rosa na wala silang nakuhang impormasyon mula kay Nobleza kaugnay sa pag-alis ng grupo ni Abu Rami sa Sulu at patungong Bohol ang mga ito.

Naniniwala si Dela Rosa na ang mga pahayag ni Nobleza sa PNP ay paraan para hindi siya madiin sa kaso.