
Ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Directorate for Intelligence at sa Drug Enforcment Group (DEG) na makipag-ugnayan sa kanilang foreign counterpart para matukoy ang kinaroroonan ng drug lord na si Peter Lim na umano’y nakalabas na ng bansa.
Ayon kay Eleazar kanila pang bina-validate ang ulat na nakaalis na ng bansa si Lim.
Sinabi ni Eleazar hindi naman tumitigil ang PNP sa pagtugis sa mga high value target hindi lamang si Lim.
Una nang inihayag ni DILG Sec. Eduardo Ano na posibleng umalis na ng bansa si Lim.
Si Lim ay mayroong standing warrant of arrest dahil sa kasong conspiracy to commit illegal drugs kung saan siya ang itinurong source ng illegal na droga ng self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa.
Si Lim ay mayroong P500,000 monetary reward para sa kaniyang ikadarakip.
Sinabi naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na walang record ang Bureau of Immigration na lumabas ng bansa si Lim, paso na rin ang passport nito noong 2019 pa.
“We are checking on that and I have given directive to the DI, PDEG and CIDG to check on this. Wala pa tayong saktong impormasyon to validate this but ako naniniwala na kung sakaling maconfirm yan malalaman natin so that we can make the necessary coordination kung saan man siya pumunta basta tandaan natin mahuhuli at mahuhuli rin natin siya whether siya ay nasa loob o labas ng Pilipinas. It is just a matter of time,” pahayag ni Gen. Eleazar.










