-- Advertisements --
police 2

Magtatalaga pa ng mas maraming kapulisan ang Philippine National Police sa mga barangay na nakitaan ng mataas na antas ng krimen.

Ito ay bilang pagpapaigting pa ng anti-criminality campaign Pambansang Pulisya sa ilalim ng bagong liderato nito sa pamumuno ni PNP chief PGen Benjamin Acorda Jr.

Sinabi ni PNP-PIO chief PCol Redrico Maranan na ito ay bahagi ng strategic action plan ng PNP na magsisilbi ring preemptive effort nito laban sa mga kriminal matapos na mapatunayang epektibo ang mas maigting na police visibility partikular na sa mga lugar na matutukoy na crime prone barangays o mga barangay na may mataas na antas ng krimen.

Kasabay nito ay binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng kooperasyon ng barangay at pulisya para sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan sa kadahilanang hindi kakayanin mag-isa ng PNP ang pagpapakalat ng mga pulis sa bawat barangay dahil sa kakapusan nito sa manpower lalo pa’t aabot sa mahigit 100 million ang populasyon ng mga Pilipinas sa buong bansa habang nasa mahigit 200,000 lamang ang pwersa ng buong hanay kapulisan.