-- Advertisements --
Nakatakdang magpatupad ng gun ban ang Philippine National Police sa pangalawang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang naturang SONA ng punong ehekutibo ay gaganapin sa House of Representatives sa darating na July 24.
Ayon sa Philippine National Police, magsisimula ang implementasyon ng naturang gun ban alas 12:01 am ng madaling araw hanggang 11:59 ng gabi.
Una ng sinabi ng PNP na nasa final stage na sila ng kanilang preparasyon para sa SONA.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, aabot sa 23, 000 na Pulisya ang kanilang idedeploy sa nasabing venue.