Kasunod ng paggunita ng All Souls at All Saints Day sa darating na November 1 at 2, isasailalim sa full alert status ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.
Layunin nitong mapanatili ang seguridad lalo na sa mga sementeryo kung buhos ang mga tao na bibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, nasa 30,000 police officers ang magbibigay seguridad sa mga sementeryo, mga pampublikong lugar, terminal at mga pantalan.
“We will be fielding 32,092 police personnel from the police regional offices and national support units to perform security and public safety duties this weekend when an estimated 14.6 million Filipinos are expected to troop to 4,677 public cemeteries and memorial parks and 76 columbaria around the country during this traditional day of remembrance for the departed,” wika ni Albayalde.
Sinabi ng heneral na wala silang namo-monitor na anumang security threats ngayong Todos Los Santos.
Tiniyak ni Albayalde na magsasagawa siya ng inspection lalo na mga deployment ng mga pulis.