MANILA – Magde-deploy ng “secret marshals” at Tactical Motorcycle Riding Units (TMRUs) ang Philippine National Police (PNP) para mapalakas ang kanilang kampanya laban sa mga riding-in-tandem suspects.
“While the use of motorcycles in the Philippines is a popular mode of transportation, motorcycles are also utilized by criminals to easily flee from a crime scene,” ani PNP chief Police Gen. Debold Sinas sa isang statement.
Ayon sa ahensya, bubuhayin nila ang kanilang Enhanced Managing Police Operations (EMPO) para ma-respondehan ang mga krimen kung saan sangkot ang mga naka-motor na suspek.
Ipahahawak sa EMPO ang mga high priority crimes at patrol assignments. Aalalayan naman sila ng marshals at TMRUs.
“(Motorcycle) provides increased maneuverability to navigate to narrow and crowded alleys, sidewalks, busy streets, and even major thoroughfares.”
Batay sa datos ng PNP, bumaba pa ang crime rate sa bansa mula Marso hanggang Oktubre ng 2020 na umabot lang sa 46% o 21,729 cases.
Kumpara ito sa 39,920 crimes na naitala mula Agosto 2019, at bago ipatupad ang community quarantine.