-- Advertisements --
250px Ph locator negros oriental canlaon

Magtatalaga pa ng dagdag na puwersa ng kapulisan ang Philippine National Police sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ito ay bilang paghahanda papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa buwan ng Oktubre 2023.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Negros Oriental Provincial Police Office director, Col. Ronan Claravall, aabot sa 100 kapulisan mula sa regional office nito ang ipapakalat sa lalawigan upang bantayan ang seguridad at kapayapaan sa lugar.

Ang deployment ng mga pulis ay sesentro rin sa sa mga bayang pinatututukan ng pamahalaan partikular na ang mga bayan ng Bais, Tanjay, Sibulan, at Dumaguete City.

Matatandaang una nang nanawagan ang mga senador na pansamantala munang ipagpaliban ang pagdaraos ng BSKE sa lalawigan nang dahil sa kaguluhang nangyari doon nang may kaugnayan sa madugong pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang mga indibidwal sa loob mismo ng compound ng kaniyang tahanan noong buwan ng Marso 2023.