-- Advertisements --

Inaasahang mas mapapalakas pa ang operational capability ng Philippine National Police.

Ito ay matapos na lumagda ng kasunduan si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. at Okada Foundation Inc. president James Lorenzana para sa acquisition ng drones at iba pang modern equipment ng Pambansang Pulisya.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, makakatanggap ang PNP ng Php9.99 million na halaga ng radio communication equipment at Php9.96 million na halaga ng drones at drone jammers mula sa kumpanya.

Ayon kay PNP Chief Acorda, ang pagpopondong ito sa mga essential equipment na kinakailangan ng kapulisan ay makakatulong para sa kanilang paghahanda na labanan ang anumang uri ng evolving challenges na kakaharapin ng pulisya.

Samantala, bukod dito ay nakatanggap din ang PNP mula sa Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. ng apat na sasakyan na ia-allocate sa Philippine National Police Training Institute, Philippine National Police Academy, Explosive Ordnance Disposal/K9 Group, at Chief Executive Senior Police Officer.

Gayundin ang nasa 28 55-inch TV units na ipapamahagi naman sa iba’t-ibang National Support Units and National Operational Support Units.