Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na kinidnap ang hindi bababa sa apat na high-profile na negosyante.
Sinabi ni PNP Spokesperson and Police Regional Office III Director Brigadier General Jean Fajardo na nagagalit umano ang mga kilalang personalidad at negosyante bakit daw lumalabas na sila ay kinidnap.
Una nang pinabulaanan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kumakalat na maling impormasyon sa social media na umano’y may mga kilalang negosyanteng dinukot.
Ayon kay Marbil, wala itong katotohanan at wala ring sapat na ebidensya.
Tinutukoy na aniya ng PNP ang mga pinagmulan ng maling impormasyon na kumakalat sa social media.
Nagpaalala naman ang PNP sa publiko na ang pagpapakalat ng fake news ay isang criminal offense at ang mga mapatutunayang gumawa nito ay mahaharap sa legal consequences.
Nakapagtala ng maraming kaso ng kidnapping ang pambansang pulisya nitong mga nakaraang buwan
kung saan ang ilan ay kinasasangkutan ng mga Chinese national bilang biktima.