Inihanda na ng Makati City Police Station ang kaso laban ng isang motorista na may bitbit na isang baril habang pinapahinto ang isang pick-up truck nitong gabi ng Biyernes.
Ayon kay Makati City Police chief Col. Pedro Alagano Jr, na kanilang natukoy ang isang rider na nagtangkang tumusok sa gulong ng pickup na sangkot sa aksidente habang ang isa na may hawak na baril ay kinilalang isang protective agent na si Joel Sabando
Paglilinaw naman nito na ang insidente ay isang uri lamang ng aksidente sa kalsada kung saan nabangga ang pick-up truck ang isang kotse mula sa lungsod ng Taguig at umabot pa sa lungsod ng Makati.
Sinagot naman ng driver ng pickup ang mga damyos mula sa mga nabangga nitong mga kotse ganun din sa mga napinsala niya sa aksidente.
Sa panig namanng Taguig City PNP sinabi ni PCOL Julius C. Añonuevo, Taguig City na sa mga oras na nangyari ang insidente ay agad na nagpakalat sila ng kapulisan para imbesitagahan sa nasabing insidente.
















