-- Advertisements --

hpg3

Muling naglunsad ng operasyon ang PNP Highway Patrol Group (HPG) lalo na duon sa mga pasaway na motorista na lumalabag sa umiiral na quarantine protocols.


Nasa ikatlong linggo na ng General Community Quarantine ang Metro Manila, kaya nais matiyak ng HPG at ng MMDA na sumusunod pa rin sa minimum health standard at batas trapiko ang mga motorista.

Kaninang umaga, nagsagawa ng surpresang inspeksyon ang HPG at MMDA sa EDSA.

Marami ang nabulaga.

Kabilang sa mga nasita ang grupo ng mga mangagawa na papunta ng Buendia, na overloaded ang shuttle.

50 percent lang kasi dapat ang capacity ng shuttle pero puno at walang physical distancing na ang shuttle.

Sinita at tiniketan ang mga motorista dahil sa bus lane dumaraan.

Nasa 1,500 pesos ang multa para sa mga sasakyan na overloaded at 1,000 pesos naman sa mga motorsiklo na sa bus lane dumaraan.

Ininspeksyon din ng HPG kung may travel authority ang mga sasakyan na bumiyahe lalo pa at karamihan din sa mga manggagawa sa Metro Manila ay galing sa Central Luzon at Calabarzon.