-- Advertisements --

PNP PDEA2

Pinagtibay na ng PDEA at PNP ang unified operational guidelines, matapos pirmahan kanina ang nasabing kasunduan.

Layon nito para maiwasan ang misencounter sa mga drug operations gaya ng nangyari noong Pebrero sa Commonwealth Avenue kung saan tatlo ang nasawi at tatlo din ang nasugatan.

Nakasaad sa nasabing kasunduan na hindi maaaring mag-operate ang PNP ng walang basbas sa PDEA.

Nagbabala naman si PNP chief Gen Guillermo Eleazar sa mga pulis na lalabag sa kasunduan at magsagawa ng operasyon na ‘di aprubado ng PDEA au tiyak sasampahan ang mga ito ng kasong administratibo.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva mahalaga sa kasaysayan ng PDEA at PNP ang pagpirma sa unified operational guidelines sa pagsasagawa ng drug operation.

Bahagi ng kasunduan ang “one station, one operation” o hindi papayagan ang sabay na operasyon sa iisang lugar.

Discretion na aniya ng PDEA kung ite-terminate ang ongoing operation sakaling mapadpad sa lugar na mayroong kasabay na operasyon lalo na ang PNP.

Hindi rin aniya maaaring ituloy ng pulis ang operasyon kung hindi inaprubahan ng PDEA ang kanilang coordination.

Sinabi ni Villanueva na ang PDEA ang magdedetermina kung sino ang aaprubahan sakaling sabay-sabay na magpa-approve ng coordination ang mga operatiba.

Samantala, target ng PDEA na ma-clear na sa iligal na droga ang nasa 13,210 barangays sa buong bansa.

Sinabi ni Villanueva nasa 42,045 barangays ang may problema sa illegal drugs, pero dahil sa pinalakas na anti-illegal drug campaign ng ahensiya kasama ang mga barangay officials at LGU nasa 22,093 barangays na ang cleared sa illegal drugs.