-- Advertisements --
PNP3

Pinaaalalahan ni Joint Task Force (JTF) COVID (Coronavirus Disease) Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) at sa mga business owners sa pagsasagawa ng simulation exercises (SIMEX).

Paliwanag ni Eleazar, ito ay para maiwasan na magkaroon ng kalituhan at magdulot ng panic mula sa publiko na posibleng ma-misinterpret ang SIMEX.

Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod sa natanggap nitong reklamo hinggil sa isinagawang simulation exercises sa Cultural Center of the Philippines complex nitong Biyernes na nagdulot ng panic sa publiko.

PNP4

Samantala, nagsanib puwersa ang dalawang major PNP (Philippine National Police)-led task forces on COVID-19.

Layon nito para i-synchronize at i-maximize ang implementasyon sa action plan ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng deadly virus.

Kabilang dito ang kapakanan ng mga pulis na nagmamando sa dalawang mega quarantine facilities.

PNP5

Binisita nina JTF Covid Shield Commander Eleazar at Administrative Support for COVID-19 Task Force (ACOTF) sa pamumuno ni Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag ang lahat ng quarantine at swabbing facilities na mina-manage at sinu-supervise ng PNP.

Ayon kay Eleazar, layunin ng kanilang inspekyon ay para bisitahin ang mga police personnel at alamin ang kanilang mga pangangailangan.

Kapwa tiniyak nina Eleazar at Binag ang suporta at sinigurong lahat ng mga pulis na nagmamando ng mega quarantine facilities ay naaalagaan din ang kalusugan at kompleto sa mga pangangailangan.