-- Advertisements --

pnp chief azurin

Balik na sa normal ang operation ang Philippine National Police (PNP) Custodial Center, matapos ang naganap na pag-hostage kay dating Senator Leila de Lima, at pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPC), na nagtangkang tumakas noong nakaraang araw.

Inihayag ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na sisiguruhin lang aniya ng mga doktor na maayos na ang kalagayan nang dating mambabatas, bago siya pahintulutang bumalik sa Custodial Center.

Dagdag pa nito na posibleng ilipat lang nila si De Lima sa ibang area ng Custodial Center, dahil nauunawan nila na traumatic na bumalik sa kanyang dating kwarto, kung saan namatay ang nang-hostage sa kanya.

Si De Lima din ang may kagustuhan na bumalik sa Custodial Center sa kabila ng alok ng Pangulo na ilipat siya, dahil mas maayos umano ang pakiramdam ng dating Senador sa Camp Crame.