Umakyat na sa 60 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police na nasawi dahil sa COVID-19 infection.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, isang 48 taong gulang na non-uniformed personnel na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Office ang pinakabagong binawian ng buhay.
Nagpositibo sa Covid-19 ang nasabing non-uniformed personnel nuong May 8,2021.
Nagtungo ito sa isang Rural Health center para humingi ng tulong dahil sa mataas na lagnat at ubo at pinayuhan na magpa confined sa hospital.
May 11 ng nakaramdam ito ng hirap sa paghinga kahit may naka kabit ng oxygen support, alas-4:00 ng hapon idiniklarang patay ng kaniyang attending physician.
Agad nagpaabot ng pakikiramay si Eleazar sa pamilya ng nasawing tauhan ng pulisya na itinaya ang kaligtasan para matupad ang tungkulin.
” We express our deepest condolences to the bereaved family. Our Non-Uniformed Personnel, being the backbone of the PNP organization, are also risking their lives during their render duty in their respective unit,” pahayag ni Eleazar.
Sa ngayon, 21,416 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP at 19,920 ang mga gumaling.
Habang 1,436 ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng pulisya.
Ang PNP Health Service ay nakapagtala din ng kabuuang 117 recoveries ngayong araw.
Sa kabuuan nasa 19,920 na ang ang total recoveries habang nasa 1,436 ang active cases.