-- Advertisements --

Bumaba sa 86 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Philippine National Police (PNP).


Itoy matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 19 bagong recoveries at walong bagong kaso ngayong araw.

Nitong buwan lamang ng Setyembre sumampa sa 3,217 ang Covid-19 active cases ng PNP na siyang pinaka mataas.

Mula nang magsimula ang pandemya, 42,180 tauhan ng PNP ang tinamaan ng Covid 19, kung saan 41, 969 ang naka-rekober, at 125 ang nasawi.

Nabatid na 99 percent vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay isang malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid 19 sa kanilang hanay.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pagbabakuna sa hanay ng PNP kung saan nasa 209,831 personnel ang fully vaccinated habang nasa 13,864 ang naghihintay ng kanilang second dose.

Nasa 2,051 personnel naman ang tumanggi magpa bakuna.

Nitong Martes, November 23,2021 nasa 666 medical and healthcare workers ng PNP Health Service ang nabigyan ng booster shot.