-- Advertisements --

Umabot na sa 48,860 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service ngayong Biyernes, April 1, 2022, nakapagtala ng dalawang new Covid-19 cases at isang new recovery

Habang tatlo ang active cases o kasalukuyang nagpapagaling sa sakit.

Samantala, umakyat na sa 222,921 PNP personnel o 99.22 percent ang fully vaccinated o nakumpleto ang bakuna kontra COVID-19.

Sa nasabing bilang, 182,278 PNP personnel o 81.77 percent ang naturukan ng booster shot bilang karagdagang proteksyon.