-- Advertisements --

Pinababantayan ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang kalagayan ng kalusugan ng mga Pulis sa Cebu.

Ito ay dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga Pulis na namamatay at nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Ayon kay Gamboa, sa walong namatay base sa record ng PNP ang huling tatlo ay galing sa Cebu.

May report din silang nakuha na sa loob lamang ng isang araw, 10 pulis ang nagkasakit.

Sa ngayon, nasa 122 Pulis sa Cebu ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang dahilan kung bakit niya pinamamadali ang pagtatayo ng sariling COVID 19 Testing Facility ang PNP sa Cebu.

Dahil a maraming mga pulis ang naka quarantine sa Cebu ngayon, nagpadala ang PNP ng augmentation force na 100 Pulis mula sa Region 6 at 8 upang tumulong sa pagpapatupad sa enhanced community quarantine.