-- Advertisements --

cpnp3 1

Sinibak sa pwesto ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang commander ng QCPD Station 3 commander na si Lt Col. Christine Tabdi dahil sa Command Responsibility kaugnay ng pagdu-duty ng ilang tauhan nito sa State of the Nation Address ng Pangulong Duterte nuong Lunes, habang naghihintay ng kanilang RT/PCR test.

Ayon kay PNP Chief, ang mahalaga ngayon ay agad nabigyan ng atensiyon ang mga pulis na nagpositibo sa covid-19 at kasalukuyang nasa isolation facilities na.

Hinihintay na rin nila ang swab test result ng mga ito.

Aminado si Eleazar na siya ay nasasaktan sa mga batikos na ibinabato sa mga pulis na may COVID 19 na idineploy sa SONA.

Aniya, hindi makatwiran at hindi makatao na hamakin pa ang kapulisan sa kabila ng kanilang sinapit dahil halos lahat ng mga pulis na tinamaan ng COVID ay dahil naman sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Paliwanag ni Eleazar, ang 82 pulis ng QCPD ay may mga pamilyang nag-aalala din at kaya nakikiusap sya na maging sensitibo ang lahat sa mga binibitawang salita.

Umapela rin si Eleazar sa publiko na tigilan ang espekulasyon kung Delta variant ang tumama sa mga tauhan ng QCPD.

Sa ngayon, nakatuon aniya ang kanilang atensyon sa pagbibigay tulong sa kanilang mga tauhan na tinamaan ng sakit at ang contact tracing sa lahat ng kanilang mga nakasalamuha.