-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief Oscar Albayalde na hindi ito mag-aatubiling ipasibak sa serbisyo ang mga pulis na sangkot sa mga investments scam.

Sinabi ni Albayalde, marami nang mga pulis ang nakasuhan at na-dismiss dahil sa panggagantso sa kapwa.

Ang pahayag ni Albayalde ay kasunod ng mga ulat na may mga pulis ang nag-moonlightning at nagre-recruit ng mga investors sa Mindanao, partikular sa Sarangani province.

“Kaya huwag tayo maniwala diyan, kaya yung mga pulis na involved I can asssure you na ipapa-dissmiss natin yan sa serbisyo,” pahayag ni Albayalde.

Umapela naman si Albayalde sa publiko na isumbong sa PNP kung may nalalaman silang mga pulis na sangkot sa ganitong gawain.

May paalala din si PNP chief mga bagong recruits na mga pulis na minsan mga target din ng kanilang mga kasamahan na huwag padadala sa mga nag rerecruit sa kanila.

“Kung may nalalaman ang publiko please let us know, hinding hindi pupuwede na ma-engage ang ating mga pulis sa mga kung ano anong mga scam na yan, baka mamaya may ma-involved na naman sa pyramiding scam, marami na ang dismiss at nakasuhan na pulis na involved sa pyramiding scam,” ani Albayalde.