-- Advertisements --

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang Anakbayan na sagutin ang mga magulang ng mga nawawalang estudyante na miyembro ng kanilang grupo.

Ito’y matapos humarap kahapon sa Senate hearing ng Committee on Public Order and Drugs ang mga magulang ng limang mag-aaral upang idaing ang pagkawala ng kanilang mga anak matapos daw sumali sa Anakbayan.

Ayon kay PNP chief, dapat ipaliwanag ng Anakbayan kung ano ang nangyari sa mga nawawalang estudyante.

Nakakabahala aniya ay ang posibilidad na namundok na at sumama sa New People’s Army (NPA) ang mga kabataang ito matapos na ma-brainwash ng Anakbayan.

Ganito aniya ang kaso ng isang University of the Philippines student na kasama sa mga napatay na terorista sa engkuwentro ng militar at NPA kamakailan kung saan inakusahan pa ng Anakbayan ang PNP at Armed Forces of the Philippines ng human rights violation.

“Ito yung sinasabi ko bakit hindi nila sagutin yung mga allegations o yung sinasabi ng mga magulang. Bakit kami ang sinasabi nilang may sala rito. Hindi po kami, sagutin nila yung mga magulang, hindi yung sinasabi nila always in general pakana na naman ito ng gobyerno, pakana na naman ito ng AFP at PNP. Bakit hindi nila sagutin isa isa yung mga sinasabi nung mga magulang kahapon. Yun ang challenge natin sa kanila, sabihin nila kung nasaan yung mga anak nitong mga magulang na umiiyak at nagdadalamhati and as of August 1 we have filed charges against those identified na sinabi nung magulang, ni Mrs. lucena kung hindi ako magkamali dahil yung anak nya
hanggang ngayon hindi pa bumabalik and even
yung mga iba doon na hindi
pa bumabalik hanggang ngayon,”
wika ni Albayalde.