Nagbabala si PNP chief Ronald Dela Rosa sa tatlong pulis Bulacan na inireklamo ng panggagahasa na kapag totoo ang alegasyon laban sa kanila ng isang 29-anyos na ginang na buntis ay kaniya itong ipapako sa krus.

Sa pagtungo ni PNP chief sa Bulacan PNP, sinabi nito sa mga akusadong pulis na huwag nang maghintay ng Semana Santa dahil kanya itong ipapako sakaling totoo ang alegasyon.

Pero kung hindi umano totoo ang reklamo, nangako naman siyang tutulungan niya ang mga ito.

Giit ni Dela Rosa, kung nagtatrabaho ang mga pulis nang maayos at pinagbibintangan ng mali hindi niya ito papayagan.

Umapela si PNP chief sa biktima na magsampa ng pormal na reklamo at makipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

-- Advertisement --

Una nang inakusahan ng buntis na ginang ang mga pulis ng panggagahasa sa harap mismo ng kaniyang dalawang taong gulang na anak.

Sa ngayon, sibak na sa puwesto ang nasabing mga pulis.