Hiniling ni PNP chief Archie Gamboa sa Department of Health na imbestigahan ang pagkamatay ng isang police medical frontliners na nasawi matapos makalanghap ng kemikal na ginamit bilang dissenfectant.

Sinabi ng PNP chief na inatasan na niya si deputy chief for administration Lt. Gen. Camilo Cascolan, na makipag-ugnayan ito kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Magugunitang nasawi si Dr. Casey Gutierrez matapos na aksidente silang mabugahan ng kemikal habang nasa loob Philippine Sports Arena.
Kasama ni Capt. Gutirrez sina Staff Sgt. Steve Rae Salamanca at Cpl. Runie Toledo.

Dahil sa hirap silang huminga ay dinala ang mga ito sa pagamutan subalit hindi na nakayanan ni Gutierrez ang sakit sa dibdib nito kaya ito pumanaw na.