Pabor si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na ibalik sa pwesto ang grupo ni Supt. Marvin Marcos na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sinabi ni Dela Rosa na nakakataas ng morale mula sa hanay ng PNP ang ginawang pagdedepensa sa mga pulis na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat lamang bumalik sa full status duty si Marcos at ang grupo nito dahil patuloy naman ang mga ito na sumusweldo sa pamahalaan kaya dapat mag trabaho ang mga ito.

Pagtiyak ni Dela Rosa na cleared na sa administrative case ang grupo ni Marcos, pero nananatili pa rin ang criminal case ito na nahaharap sa kasong murder.