-- Advertisements --

crame1

Nagbabala si PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) partikular sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly na huwag guluhin ang mga rescue at relief operations ng pulis at militar.
Sinabi ni Cascolan, may mga security measures na rin silang ipinatupad ng sa gayon hindi magtagumpay ang rebeldeng grupo sa kanilang masamang balak.
Naka-alerto ngayon ang PNP at AFP sa anumang posibleng harassment na ilulunsad ng NPA.
Hinimok naman ni Cascolan ang mga rebelde na makipagtulungan nalang sa mga awtoridad para sa kapakanan ng mga komunidad na lubhang naapektohan ng bagyo.
Ayon sa PNP Chief, double time ngayon ang pulis at militar para maibalik sa normal ang buhay ng mga mamayan sa lalong madaling panahon alinsunod narin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakipagcoordinate narin aniya ang PNP sa AFP para sa equipment na kailangan sa clearing Operations.
Samantala, nagsagawa ngayong araw ng aerial inspection si PNP Chief sa region 5, bibisitahin nito ang nasabing rehiyon para personal na isupervise ang gagawing relief operations at disaster response ng PNP.