-- Advertisements --

Inamin ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na siya ay inimbitahan ng isang grupo na supporters ni Pang. Rodrigo Duterte na dumalo sa isang pulong na nagsusulong para sa isang revolutionary government.


Pero ayon kay Gamboa hindi pa nakarating ng personal sa kaniya ang letter of invitation mula sa grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), pero nabasa na niya ito sa pamamagitan ng viber.

Hindi naman sinabi ni Gamboa kung balak din niya sana dumalo sa nasabing pulong.
Ang nasabing sulat ay may petsang August 17 at ang pulong ay dapat nuong Miyerkules August 20.

Ang MRRD-NECC ang grupo na siyang nagkumbinsi kay Duterte para tumakbo ng pagka Pangulo nuong 2016.

Nagpadala din ng imbitasyon ang grupo kina AFP Chief of staff Gen. Gen. Gilbert Gapay at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Batay sa sulat, sinabi ng head ng Revolutionary Government Committee group na si Bobby Brillante aapela sila kay Pang Duterte na pamunuan ang revolutionary government sa ilalim ng “revolutionary constitution” na magtatagal hanggang Dec. 31, 2021.

Isinusulong din ng grupo ang Federalism at nais nila maisakatuparan ito bago magtapos ang termino ng Pangulo sa 2022.