-- Advertisements --

Kasabay ng ceremonial vaccination para sa A4 category ngayong araw, binigyan na ng go signal ni PNP Chief ang mga pulis na nasa A4 category na magpa bakuna sa kani-kanilang mga Local Government Unit.

Hinimok ni Eleazar ang mga tauhan nito na samantalahin na ang bakunang ibibigay sa kanila ng Lokal na Pamahalaan upang maproteksyunan sila laban sa virus.

Sinabi ni Eleazar na agad naman nilang sisimulan ang vaccination para sa mga pulis na nasa A4 category sa sandaling matanggap na nila ang kanilang vaccine allocation mula sa Department of Health (DOH).

Nilinaw naman ni PNP chief na walang pilitan sa kanilang hanay lalo na sa mga kasamahang hindi pa handa o di kaya’y ayaw talagang magpabakuna.

Sa A4 category kasama na dito ang mga Police Generals.

Sa kabuuan, nasa 15,700 na mga Pulis na ang nabakunahan kontra COVID 19 mula sa A1 category o Medical Frontliners, A2 at A3 Persons with comorbidities.
Sa susunod na mga Linggo, inaasahan na ng PNP ang kanilang vaccine allocation mula sa gobyerno.

“Tinitiyak ko na walang mangyayaring pilitan pero asahan po natin sa ating mga kapulisan na mas magiging matimbang ang pagtulong sa tagumpay ng national vaccination program sa pamamagitan ng pagpapakita sa ating mga kababayan ng kahalagahan ng pagbabakuna kontra Covid. Maaari silang magsilbing ehemplo sa walang dapat pangambahan sa pagbabakuna,” pahayag ni Eleazar.