Hiling ni PNP chief police Director General Ronald Dela Rosa sa Simbahang Katoliko ang tiwala kasabay ng pagbalik ng PNP sa giyera kontra droga.

Apela ni Dela Rosa sa simbahan na pagkatiwalaan nila ang Philippine National Police (PNP).

Ang naturang pahayag ng PNP chief ay kasunod ng negatibong reaksyon ng simbahang katolika sa pagbalik sa war on drugs ng PNP.

Paliwanag ni Dela Rosa na madaming namatay sa naunang oplan tokhang ng PNP dahil maraming grupo ang sumabay dahilan para iugnay ang mga patayan sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Dagdag pa nito na bahagi ng Oplan Double Barrel Reloaded ay magsama ng mga taga simbahan para makita ang aktwal na operasyon lalo na ng mga pari ang sistema sa pagpapatupad nila ng Oplan Tokhang Part 2.

Una rito sinabi ng simbahan na propaganda lamang ang paghikayat ng PNP sa simbahan.