-- Advertisements --

Nakahanda si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na harapin ang isinampang reklamo sa Ombudsman laban sa kaniya hinggil sa pagkamatay ng aide ni dating Cong Glenn Chong.


Ayon kay Gamboa, ginagalang nito ang karapatan ng biyuda ni Richard Santillan na si Jeannette Santillan at dating Congressman Glenn Chong, na magsampa ng reklamo sa ombudsman laban sa kanya bilang dating PNP Deputy Chief for Administration.

Si Gamboa ay inakusahan ng dalawa ng pagtatago ng ebidensiya sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Santillan, sa umano’y shootout laban sa mga pulis sa Cainta,Rizal noong 2018.

Sa isang statement sinabi ni Gamboa na ang asunto ay bahagi lang ng kanyang trabaho.

Sinabi ni Gamboa, bilang isang abogado kinikilala niya ang “supremacy” ng korte at handa siyang sumailalim sa judicial process.

Tiwala naman si Gamboa na lalabas ang buong katotohanan at malilinis ang kanyang pangalan.

” I respect the right of the widow of the late Richard Santillan and that of his former employer to file a complaint before the Ombudsman against myself as former Deputy Chief for Administration.
I take this as part of the risks that come with the job.
As a lawyer, I fully recognize the supremacy of the courts and will abide by and submit to the judicial process.
I will face my accusers confident that the truth will vindicate me,” opisyal na pahayag ni PNP chief Gamboa.