Ngayon pa lamang may babala na si outgoing PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa mga siga o naghahari-harian na drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon sa heneral, naubos na raw ang takot sa kanyang buhay kaya hindi na siya nasisindak sa bagong puwesto na kanyang papasukan bilang director ng Burueau of Corrections.

Sinabi pa ng PNP chief, gagawin niya ang lahat para mapatino ang mga drug suspects sa Bilibid.

Kung meron daw mananakot sa kanya sa Bilibid ay baka makapatay siya.

Titingnan din daw kasi ni Gen. Bato kung gaano “ka-powerful” ang mga sindikato.

Sa kabila nito isusulong pa rin niya na mapabago ang mga bilanggo dahil tutulungan naman sila.