-- Advertisements --

sermonia

Agad naglabas ng direktiba si PNP chief Lt.Gen. Dionardo Carlos para sa agarang reorganization ng PNP Command Group.

Kung saan dalawang senior police officials ang kaniyang itinalaga sa bagong pwesto.

Si MGen. Rhodel Sermonia, ang itinalagang bagong number 4 man ang chief ng Directorial Staff (TDCS) ng PNP.

Si Sermonia ang nag-assume sa binakanteng pwesto ni Carlos.

Ang chief ng Directorial Staff ang siyang nagsu-supervise sa 11 PNP Directorial Staff sa pag-administer ng functional operations ng lahat ng National Support Units at Police Regional Offices.

Papalit naman sa pwesto ni Sermonia bilang director ng Directorate for Operations (DO) si BGen. Valeriano De leon na nanggaling sa Civil Security Group at dating regional police director ng Region 3.

Si Sermonia at De Leon ay parehong miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989

de leon

Habang ang dalawang seniors in command ni Carlos na sina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration (TDCA) at Lt. Gen. Ephraim Dickson, Deputy Chief for Operations (TDCO) ay mananatili sa kanilang kasalukuyang pwesto.

Sina dating PNP chief Guillermo Eleazar, Vera Cruz at Dickson ay miyembro ng PMA Class of 1987 habang si Carlos ay miyembro ng PMA Class of 1988.

Nang tanungin si Carlos kung paano siya makipagtrabaho sa kaniyang dalawang senior officials, kaniyang sinabi na nakipag-usap na siya sa command group at hiniling na ipagpatuloy ang kanilang role at trabaho.

“Pinakiusapan ko sina Sir Jojo (Vera Cruz) and Sir Bong (Dickson) and then I requested the incoming TDCS kung kailangan niya ng big brother help, sige magtanong ka sa akin. I think we will have another team that can continue what was started by the previous chiefs of the PNP,” pahayag ni Carlos sa mga miyembro ng media.