-- Advertisements --
image 684

Ginawaran ng Philippine National Police ng Medalya ng kadakilaan ang Chief of Police ng San Miguel, Bulacan na si Pltcol. Marlon Serna na nasawi sa gitna ng kaniyang pagtupad sa kaniyang tungkolin. 

Ito ay isinagawa kasabay ng personal na pagbisita ni PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr. sa burol ni Serna upang personal na magpaabot ng pakikiramay sa naulilang asawa at dalawang anak nito. 

Ayon kay Azurin, bukod dito ay tinitiyak din ng PNP na matatanggap ng pamilya ng nasawing hepe ang lahat ng mga benepisyo kabilang na ang pagkakaloob ng tulong pinansyal ng PNP dito, at gayundin ang schoolarship para sa kaniyang mga anak para sa magandang kinabukasan nila. 

Aniya, ito ay bahagi na rin ng pagpapahayag ng pasasalamat ng pambansang pulisya para sa magandang serbisyo na inialay ni Serna para sa kapulisan. 

Kung maaalala, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni LTCOL. Serna nang paputokan ito ng dalawang sospect sa pagnanakaw na sakay ng motor na nirespondehan niyo sa Brgy. Bohol Na Mangga, San Ildefonso, Bulacan. 

Kaugnay nito ay sinabi rin ni Azurin na sa ngayon ay mayroon na silang hawak na mga impormasyon pahinggil sa mga persons of interest sa naturang krimen, at inaasahan sa lalong madaling panahon aniya ay maaaresto ang mga ito. 

Sa ngayon, pinag-aaralan na rin ng liderato ng pambansang pulisya kung maaaring gawaran ng Medal of Valor ang yumaong hepe lalo na’t maituturing na beyond the call of duty ang kaniyang pagsasakripisyo ng sariling buhay sa pagtupad ng kaniyang tungkulin.