-- Advertisements --
AZURIN 1024x576 1

Nostalgic ang nararamdaman ngayon ni Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kaniyang pagdalo sa Philippine Military Academy Alumni homecoming sa Fort del Pilar sa Baguio City.

Ito na kasi ang huling pagkakataong makakadalo si Azurin sa naturang malaking pagtitipon nang dahil sa kaniyang napipintong pagreretiro sa serbisyo.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, talagang magiging memorable para sa kaniya ang pagkakataong ito dahilan kung bakit napagkasunduan aniya nila ng kanilang mga kaklase na active pa na suotin ang kanilang complete uniform sa mahalagang okasyon na ito.

Kwento pa ni Azurin, noong panahong siya ay nasa Philippine Military Academy palang ay hindi raw sumagi sa kaniyang isip na balang araw ay pamumunuan niya ang buong hanay ng pambansang pulisya.

Ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na hindi siya nagsumikap para sa mas ma-improve pa ang kaniyang sarili.

Samanatala, payo naman ni Azurin sa mga kabataang kadete na ipagpatuloy lamang ng mga ito ang pagpapa-improve pa sa kanilang mga sarili at kakayahan dahil tulad aniya ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pagkakaroon ng isang mabuting karakter ang pinakaimportante sa lahat.

Si Azurin ay pinarangalan bilang PMA Alumni Association Inc. ng “Outstanding Achievement Award” bilang pagkilala sa kaniyang outstanding at exceptional contributions sa kanyang leadership at pagseserbisyo sa bansa partikular na sa pakikipaglaban sa ilegal na droga at kriminalidad para sa pagpapanatili ng peace and security sa buong Pilipinas.