-- Advertisements --
pnp chief pgen rodolfo azurin jr.

Nagsimula na si outgoing Philippine National Police chief PGen Rodolfo Azurin Jr. para sa kaniyang napipintong pagreretiro sa serbisyo sa Pambansang Pulisya sa darating na Lunes, Abril 24.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, kabilang sa mga paghahanda na ito ay ang iba’t ibang mga aktibidad na dadaluhan ni Azurin kung saan nagpapaabot na siya ng pasasalamat.

Aniya, sa ngayon ay wala pang impormasyon ang Pambansang Pulisya kung mapapalawig pa ang panunungkulan ni Azurin sa gitna ng mga katanungan kung sino ba ang susunod na mauupo bilang hepe ng PNP.

Kabilang sa mga umingay ang pangalan na tinitingnan maaaring humalili kay Azurin bilang hepe ng Pambansang Pulisya ay sina Deputy Chief for Administration PLTGEN Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Operations PLTGEN Jonnel Estomo, Director for Investigation and Detective Management ng PNP na si PBGEN Eliseo Cruz, at gayundin si PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief PBGEN Romeo Caramat.

Kung maaalala, kaugnay nito ay una nang sinabi ni Azurin na binalaan na raw niya si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na maging maingat sa pagpili ng susunod na chief PNP sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot ngayon sa buong hanay ng kapulisan na nauugnay sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa operasyon ng ilegal na droga.