-- Advertisements --

Bumuo na ng task force ang Quezon police para magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon sa insidente ng umano’y panununog ng isang modern jeepney na kinasasangkutan ng film director nasi Jade Castro at grupo nito sa Catanauan, Quezon province.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, kasunod ng direktiba ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na imbestigahan ang kasong ito.

Bahagi aniya ng naging basehan at objective ng pagbuo sa naturang task force ay upang mapahupa rin ang pangamba ng apat na suspek ukol dito makaraang tapusin agad ng mga otoridad ang imbestigasyon sa kaso matapos makakuha ng positive identification.

Positibo kasing kinilala ng mga tumayong witness sa naturang kaso ang grupo nina Castro kaakibat ang CCTV footage na ipinakita ng mga ito sa pulisya, bagay mariin namang itinanggi ng mga suspek.

Ayon kay PCol. Fajardo, magiging sentro ng kanilang imbestigasyon ang claim ng grupo ni Castro na nagsasabing malayo sila sa lugar na pinangyarihan ng naturang insidente nang maganap ito.

Gayunpaman ay nilinaw ng opisyal na bukas ang PNP na tumulong sa magkailang partido upang alamin ang katotohanan sa likod ng nasabing krimen.

Samantala, sa darating na Pebrero 12 naman ay nakatakdang isagawa ang unang preliminary hearing ng kaso sa grupo ni Castro sa prosecutor’s office sa Catanauan, Quezon province.