-- Advertisements --
Col Jean Fajardo

Walang nakikitang problema ang Philippine National Police sa isinasagawang bukod na imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay na umano’y cover up issue sa 990kilos biggest drug haul ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, bukas ang Pambansang Pulisya rito at wala aniya itong nakikitang dahilan para kontrahin ito dahil hindi naman aniya ito kontra ng kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Special Investigation Task Group ng PNP.

Aniya, sa ngayon ay nakikipagtulungan na rin ang SITG990 sa fact-finding committee na binuo ng NAPOLCOM para sa paglutas sa kasong ito.

Kaugnay nito ay nagsumite na rin aniya ang naturang task force ng pulisya ng mga dokumento at ebidensya sa nasabing komite na pinaniniwalaang mas makakatulong din para masolusyonan na ito at malaman ang buong katotohanan sa likod ng nasabing kaso.

Paliwanag pa ng PNP ay bahagi lamang daw ito ng sistema ng check and balance ng NAPOLCOM na mayroong administratibong kontrol at supervision sa Pambansang Pulisya.