Binigyan ng P10 million pabuya ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang Philippine National Police (PNP) matapos na ma-neutralized nito ang notorious Concepcion Criminal Group.
Ayon kay Rep. Co, nangako kasi siya na magbigay ng P10 million mula sa kaniyang sariling bulsa bilang pabuya sa pagbuwag sa notorious criminal group.
Inihayag ng Kongresista na siyang chairman ng House appropriations committee, na ang lider ng Concepcion gang ay isa sa most wanted criminals sa bansa na siyang nasa likod sa pag ‘terrorize’ sa Bicol Region at sa iba pang bahagi ng bansa sa matagal ng panahon.
Aniya, malaking bagay ang pag-neutralize sa Concepcion Gang dahil matagal na silang problema sa peace and order.
Nasawi sa enkwentro nuong January 24,2024 sa Barangay San martin De Porees, Paranaque City ang lider ng grupo matapos isailalim sa surveillance at imbetigasyon ng mga operatiba ng PNP.
Nakilala ang nasawing lider ng grupo si alias “Bert” o “Pogi,” at si Laeco Josie Quite Saysay, alias “Lay,” miyembro din ng grupo.
Sangkot ang grupo sa ibat ibang criminal activities kabilang ang assassinations, extortion, at illegal arms trade.
Pinuri ni Co ang matagumpay na operasyon ng PNP na nagpapatunay sa husay, tiyaga, at tapang ng mga sangkot na police operatives sa ikinasang operasyon.
Ipinunto ni Co na ang ibinigay niyang reward ay bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga pulis na handang ialay ang kanilang buhay para lamang siguraduhin ang kaligtasan ng taumbayan.