-- Advertisements --
image 127

Bantay sarado pa rin ang Philippine National Police – Aviation Security Group(PNP AVSEGROUP) sa mga paliparan sa bansa kasunod ng unang natanggap na bombo threat kamakailan ng Civil Aviation Authority of the Philippines(CAAP).

Sinabi ni Director PBGen. Jack Wanky, nagsasagawa pa rin ang mga kapulisan ng paneling sa pangunguna ng explosive at ordnance team nito.

Ito ay upang matiyak na walang makakalusot na anumang kontrabando sa mga paliparan sa bansa.

Maliban kasi sa CAAP, inamin ni Gen. Wanky na maging sila man ay nakatanggap din ng banta ng pambobomba.

Pag-titiyak ng heneral na lahat ng mga paliwaparan sa buong bansa ay kanilang babantayan upang masigurong ligtas ang mga pasahero, at mga empleyado ng mga ito.

Oktobre-6 nang makatanggap ang CAAP ng banta sa pamamagitan ng email ukol sa umanoy nilalamang bombo ng ilang mga sasakyang panghimpapawid na nagruruta sa Metro Manila patungo sa mga paliparan sa ibat ibang probinsya.

Kabilang dito ang Cebu, Palawan, Bicol Region, at Davao.