Todo ngayon ang panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) na komunsulta at makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) para maprotektahan ang mga mag-aaral sa educational settings.
Kasunod na rin ito ng mga karahasang nangyari mismo sa loob ng mga paaralan.
Habang kinikilala daw ng CHR ang intensiyon ng PNP na protektahan ang kapakanan ng mga estudyante pero nakasaad daw sa inilabas ng Department of Education noong 2021 na nagdi-discourage sa presensiya ng mga armed police sa mga paaralan.
Pinaninidigan din ng CHR ang kanilang buong suporta sa Rights-Based Education Framework for Philippine Basic Education ng DepEd.
Layon nitong maisapuso ng mga learners ang kanilang intrinsic human rights.
Kung maalala, labis na ikinaalarma ng CHR ang naganap na pananaksak ng isang estudyante sa kapwa nito estusyante at ang pagkamatay ng 12-year-old student matapos aksidenteng mabaril ang sarili matapos dalhin sa paaralan ang service firearm ng kanyang ama.
Kabilang na rin dito ang napaulat na mga bomb theats sa ilang elementary at high schools.