-- Advertisements --

Apat na magkasunod na araw ng walang bagong kaso ng COVID 19 ang naitala sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service, dalawa na lang ang aktibo nilang kaso ng COVID-19 sa ngayon.

Ito’y matapos na gumaling sa sakit ang dalawa nilang tauhan kahapon.

Samantala, wala ring bagong nasawi sa COVID 19 sa PNP kaya nananatili ang bilang nito sa 128.

Matatatandaan na kamakailan ay naglabas nang paalala ang PNP sa mga tauhan nito na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocol sa mga kampo.

Ito’y para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.