BAGUIO CITY – Tiniyak ng bagong commandant of cadets ng Philippine Military Academy (PMA) ang kooperasyon ng mga kadete nito sa kampanya ng akademiya kontra pang-aabuso at hazing.

Ayon kay B/Gen. Romeo Brawner Jr., nagpahayag ang cadet corps ng kahandaan na sumuporta matapos nitong makausap kasabay ng kanyang pagupo sa posisyon.

Naniniwala ang opisyal na sa pamamagitan ng bagong honor code ay mahihinto ang tila hindi na naalis na kultura ng karahasan sa bawat kadete.

Una ng sinabi ni Brawner na target nilang palakasin ang mga senior cadet o Cadet 1st Class’ para tutukan ang kaligtasan ng mabababang kadete.

Aayusin din umano ng bagong pamunuan ang PMA counseling office para sa mental health ng mga ito.