-- Advertisements --

Kasalukuyan umanong binibigyan ng oxygen treatment si British Prime Minister Boris Johnson matapos itong itakbo sa isang ospital sa London dahil sa coronavirus.

Ang pagkaka-admit ni Johnson, 55, sa St. Thomas hospital ay isa umanong “precautionary measure” sa patuloy nitong nararamdaman na sintomas ng COVID-19.

Ayon sa mga naglabasang report, itinakbo sa ospital ang British prime minister dahil imbes daw na magpahinga ay mas inuuna nito ang kaniyang tungkulin para sa bansa.

Posible rin umanong may pneumonia si Johnson dahil hindi pa bumababa ang lagnat nito makalipas ang 10 araw.

Kahit naka-quarantine si ang prime minister ay patuloy pa rin itong nakikiisa sa mga pagpupulong hinggil sa mga paraan na gagawin ng Britanya para labanan ang pandemic.