-- Advertisements --

Pinababalik ng Department of Justice sa kanilang opisina ang P6.6 billion plunder case na inihain ni dating Senator Antonio Trillanes IV laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go na itinurn-over sa Office of the Ombudsman.

Paliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi nai-coordinate sa kaniyang opisina ng prosecutor general ang naturang kaso at nagdesisyong agad na ipadala ito sa Ombudsman nang hindi dumadaan sa kaniyang opisina.

Liban dito, nagpadala ang dating Senador, na siyang complainant sa kaso, ng karagdagang ebidensiya.

Bunsod nito, nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Office of the Ombudsman para maibalik ang naturang complaint sa DOJ para mapag-aralan.

Ayon pa sa kalihim, nag-isyu siya ng Department Cicular No. 20 na nagmamandato sa mga prosecutor na pag-aralan ang kaso bago ito ibigay sa ibang opisina.

Bagamat may prorogatibo at independensiya ang National Prosecution Service (NPS), pinaalala ng kalihim na siya pa rin ang head ng DOJ.

Una rito, sa reklamong inihain ni Trillanes, inakusahan niya sina dating Pang. Duterte, Sen. Go at ama at half-brother ni Go ng graft at plunder na nag-ugat sa umano’y maanomaliyang P6.6 bilyong halaga ng kontrata o proyekto sa DPWH sa hindi kwalipikadong contruction companies na nakabase sa Davao.