Pinaalalahanan ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) PLt. Gen. Joselito Vera Cruz ang mga kapulisan sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) na panatilihin ang pagiging propesyunal na may disiplina sa sarili at gawin ang trabaho na naaayon sa batas at polisiya ng organisasyon.
“The PNP to function effectively and efficiently as the main law enforcement arm of the national government, then we must all adhere to the highest standards of professionalism and discipline,”pahayag ni Lt.Gen. Vera Cruz.
Sinabi ni Vera Cruz, malaki ang responsibilidad na nakaatang sa Philippine National Police (PNP) lalo na sa law enforcement at pagpapanatili sa peace and order.
“Much is expected from us as law enforcers. Our Chief, PNP, Gen. Dionardo Carlos continously emphasizes the key role of our uniformed personnel in implementing the enhanced managing police operations against criminality,” wika ni Vera Cruz.
Binigyang-diin din ng heneral ang mandato ng PNP ngayong nagsimula na ang campaign period para sa mga national candidates.
Sa Marso sa susunod na buwan, magsisimula na rin ang kampanya para sa mga local candidates na inaasahang magiging mainit lalo na sa mga lugar na may presensiya ng armadong grupo o private armed groups.
“May we always bear in mind that to serve and protect the country and its people remains our utmost priority,” dagdag pa ni Vera Cruz.
Si Lt.Gen. Vera Cruz ang nag-administer sa Turn-Over Ceremony sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) nitong nakalipas na Lunes, sa Parang, Maguindanao.
Nag-assume na rin bilang bagong regional police director si PBGen. Arthur Cabalona kapalit ni PBGen. Eden Ugale na itinalagang bagong deputy commander, Area Police Command sa Western Mindanao.
Kumpiyansa naman si Vera Cruz, sa kakayahan at kapabilidad ni BGen. Cabalona na pamunuan ang PRO BAR.
Malaking hamon din para sa newly-installed PRO BAR regional police director ang kakaibang sitwasyon ng nasabing rehiyon.
Lubos namang nagpasalamat si Cabalona kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa tiwala at kumpiyansa na ibinigay sa kaniya.
Si Cabalona ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapagpatupad Class of 1992.
“To PBGen Cabalona, being well-rounded officer, I am confident that he will indeed fulfill their class name as he brings out operation in the region which can be challenging given the peculiarities here in this region,” pahayag ni Lt. Gen. Vera Cruz.
Pinuri naman ni Vera Cruz, si Gen. Ugale sa mga naging accomplishments nito na nagsilbing hepe ng PRO BAR sa loob ng 10 buwan.
“Let me extend my gratitude, on behalf of the entire PNP to the former Regional Director, PBGen Ugale who handled his responsibilities as Regional Director with flying colors,” wika ni Vera Cruz.
Si Ugale ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Bigkis Lahi Class of 1990.