-- Advertisements --

Pag-iibayuhin pa ng NBA ang pagsusuot ng face mask ng mga players habang dumarami ang postponement ng games at nahahawa sa COVID-19 virus.

Sa bagong patakaran ng liga, inaatasan ang mga players na gumamit ng medical mask na KN95 at KF94 upang matiyak ang kanilang proteksiyon sa virus.

Ang naturang polisiya ay ipapatupad na simula sa susunod na linggo.

Sa ngayon nasa proseso na ang NBA para sa pagdating ng mga face mask para sa lahat ng 30 mga teams bago ipatupad ang mandatory na pagsusuot nito.

Simula rin sa Biyernes mas hihigpitan pa ng NBA ang ipinapatupad na kanilang mga health and safety protocols.

Sa ngayon kasi, habang may laro at nasa bench ang mga players, coaches at staff ay kailangang magsuot ng face mask.

Meron din silang tinatawag na “cool down area” kung saan mananatili ang mga players paglabas ng basketball court.